COVID-19 test gustong gawing libre ni Pangulong Duterte sa mga pasilidad ng gobyerno

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing libre ang COVID-19 tests sa mga health facility ng gobyerno.

Inatasan ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na alamin kung magkano ang kailangang gastusin ng pamahalaan kung ibibigay ng libre ang COVID-19 tests sa mga pasilidad ng gobyerno.

Mahal kasi ayon sa pangulo ang swab test kaya kung magiging libre ito ay mas marami ang makaka-access dito.

Ayon sa pangulo kung mayroong sapat na pera para ipangtustos, ililibre na lang ang COVID-19 tests sa lahat ng government hospitals o sa health centers.

Batay sa utos ng pangulo kay Duque, targetin na maipatupad ito sa second quarter ng 2021.

 

 

 

Read more...