Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Martes, December 8, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Zambales, at Bataan sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Quezon City, Marikina, Pasig, Caloocan, at Valenzuela.
Gayundin sa mga bayan ng General Nakar, Real, Burdeos, at Infanta sa Quezon.
At sa mga lalawigan ng Tarlac, Rizal, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.
Pinapayuhan ang mga residente at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA.
MOST READ
LATEST STORIES