Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 211.92 meters alas-6:00 umaga ng Martes, December 8 mas mataas ito sa antas nito kahapon na 211.81 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 100.13 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.82 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.43 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.39 meters.

Ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang ang Ambuklao, Binga at Caliraya dams naman ay nabawasan.

Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga dam.

 

 

 

Read more...