Pangulong Duterte sinabing hindi sa kaniya galing ang narcolist na may pangalan ng napaslang na mayor ng Los Baños

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sa kaniya nagmula ang narcolist kung saan naroroon ang pangalan ni Los Baños Mayor Caesar Perez na kamakailan ay tinambangan.

Sa kaniyang pre-recorded speech na umere, Lunes (Dec. 7) ng gabi, sinagot ng pangulo ang pamilya ni Perez at sinabing ang listahan ay hindi galing sa kaniya.

Una nang umapela ng tulong ang pamilya ng Perez kay Pangulong Duterte para makamit nila ang hustisya sa pagkamatay ng mayor.

Sinabi ng pangulo na ang “narcolist” ay pinagsama-samang datos mula sa intelligence reports ng drug enforcement agencies at intelligence ng AFP at PNP.

Katunayan ayon sa pangulo, hindi niya nga kilala si Perez at hindi niya natatandaan ang pangalan nito nang hapyawan niya ng pagbasa ang narcolist.

Ayon sa pangulo hindi niya rin naman kasi kabisado ang lahat ng pangalan na nasa listahan.

Nag-sorry ang pangulo sa pamilya ni Perez kung nasa listahan nga ang pangalan nito.

Karamihan aniya ng nasa listahan ay talagang sangkot sa ilegal na droga, pero maari aniyang “exception” ang kaso ni Perez.

 

 

 

Read more...