Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 6:17 ng umaga ngayong Martes, December 8 yellow warning ang umiiral sa Central Cebu, Southern Cebu, buong Negros Occidental at bahagi ng Negros Oriental.
Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng umiiral na easterlies.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Pinapayuhan ang mga residente at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA.
MOST READ
LATEST STORIES