Metro Manila, mga kalapit na lalawigan nakararanas ng pag-ulan

Inuulan pa rin dahil sa easterlies ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Martes, Deceber 8, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Cavite, Rizal, Zambales, at Bataan.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Caloocan, Malabon, Valenzuela, Navotas at Quezon City at sa mga bayan ng General Nakar, Patnanugan, Real, Burdeos, at Polilio sa Quezon.

Gayundin sa mga lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.

Pinapayuhan ang mga residente at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

Read more...