Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 64,106

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (December 7, 3:00 PM) nakapagtala ng 318 na bagong kaso kaya pumalo na sa 64,106 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,160
Laguna – 17,242
Batangas – 10,905
Rizal – 13,286
Quezon – 5,513

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,521.

Nasa 56,821 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 540 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 14,928
Laguna – 15,887
Batangas – 10,093
Rizal – 11,691
Quezon – 4,222

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 1,764 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 465
Laguna – 388
Batangas – 317
Rizal – 432
Quezon – 162

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

Read more...