Toll holiday umiiral na sa mga toll plaza na sakop ng Valenzuela, City

Matapos maisilbi ng Valenzuela City Government ang suspensyon ng business permit ng hindi na naniningil sa mga toll plaza ng North Luzon Expressway na sakop ng lungsod.

Umiiral ngayon ang toll holiday sa sumusunod na mga toll plaza ng NLEX:

– Karuhatan-Mindanao Avenue
– Karuhatan-Harbor Link
– Karuhatan-MacArthur Highway
– Paso de Blass Northbound
– Paso de Blass Southbound
– Lawang Bato Toll Booth

Ang mga boom barrier sa nabanggit na mga toll plaza ay nakataas kaya dire-diretsong nakatatawid ang mga sasakyan.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian hindi niya sinuspinde ang operasyon sa nasabing mga toll plaza dahil hindi iyon sakop ng kaniyang kapangyarihan.

Ang ginawa lamang niya ay ang pagsuspinde sa business permit nito, kaya mawawalan ng collecting power o hindi muna pwedeng mag-negosyo ang NLEX sa Valenzuela City.

 

 

 

Read more...