Dagdag sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

Nagpatupad ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

May dagdag na 25 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina, dagdag na 60 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 40 centavos sa presyo ng kada litro ng diesel.

Epektibo alas 6:00 ng umaga ang dagdag presyo ng mga kumpanyang Petron, Shell, SeaOil, Flying V, Total, Petro Gazz, Phoenix Petroleum at PTT.

Alas 2:01 naman ng madaling araw naging epektibo ang prize adjustment ng Chevron.

Habang alas 4:01 ng hapon mamaya ang price adjustment ng Cleanfuel.

 

Read more...