Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 146 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, ala-1:56 umaga ng Martes (December 8).
May lalim na 133 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES