Sorsogon, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa Sorsogon, Lunes ng gabi.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 37 kilometers Southeast ng Prieto Diaz bandang 10:37 ng gabi.

77 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ang mga sumusunod na intensity dahil sa lindol:
Intensity V – Sorsogon City;
Intensity IV – Legazpi City; Virac, Catanduanes; Naga City; Catarman, Northern Samar
Intensity III -Bulusan, and Irosin, Sorsogon; Catbalogan City
Intensity II – Palo, Alangalang, Babatngon, Calubian and Dagami, Leyte

Instrumental Intensities naman ang naramdaman sa:
Intensity IV – Legazpi City
Intensity III – Sipocot, Camarines Sur; Borongan City, Eastern Samar; Palo, Leyte; Irosin, Sorsogon
Intensity II – Naval, Biliran; Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity I- Lopez, Quezon; Casiguran, Aurora

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Ngunit, asahang makakaranas ng aftershocks dahil sa lakas ng pagyanig.

Read more...