Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 12,210

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, December 6), nadagdagan ng 34 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 12,210.

Sa nasabing bilang 396 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nanatili sa 461.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 13,067 na.

Read more...