Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, nasa 879

Nagkaroon pa ng 19 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang December 7, 24,320 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 879 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 77 ang bagong gumaling kung kaya 22,047 na ang COVID-19 recoveries.

Isa ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,394 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...