P1.7-M halaga ng shabu, nakumpiska sa 2 high-value target sa Cebu

PDEA RO7 photo

Nasamsam ng mga awtoridad ang P1,700,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Talisay City, Cebu Lunes ng hapon.

Sanib-pwersa ang PDEA RO VII Regional Special Enforcement Team (RSET) at RID7, katuwang ang Talisay City Police Station, sa ginawang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Tabunok dakong 3:20 ng hapon.

Naaresto sa operasyon sina Jeneric Antiga, 25-anyos, at Carlito Encorporado Jr., 24-anyos.

Ikinokonsidera ng mga awtoridad ang mga drug suspect bilang high-value targets.

Nakuha sa dalawang ang apat na pack ng hinihinalang shabu, isang motorsiklo at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 26 (conspiracy) na may kinalaman sa Section 5 (sale of illegal drugs) Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA RO7 photo

Read more...