COVID-19 recoveries sa Baguio, pumalo na sa higit 2,900

Umabot sa 23 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Lunes ng gabi (December 7), umabot na sa 3,243 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 297 ang aktibo pang kaso.

18 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 2,901 na ang total recoveries sa Baguio City habang 45 pa rin ang death toll.

Batay pa sa datos, 214 ang naisagawang RT-PCR test sa araw ng Martes.

Nasa 80,608 naman ang bilang ng mga nagnegatibong pagsusuri sa COVID-19.

Read more...