Muntinlupa City, may 43 na aktibong kaso ng COVID-19

Umabot na sa 4,977 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Lunes ng hapon (December 7), sa nasabing bilang ay 43 ang aktibong kaso.

240 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 33 ang suspected cases.

Samantala, 4,773 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 161 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...