86 pang COVID-19 cases, naitala sa Western Visayas

Nagpositibo ang 86 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang December 7, umakyat na sa 20,333 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,815 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 82.15 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

54 naman ang gumaling pa kaya 17,929 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 586 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...