Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni Robredo na naging normal na ang patayan sa bansa.
Payo ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Robredo, bilang pareho silang abogado, mas makabubuti kung hintayin muna ang resulta ng ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).
“Dahil pare-pareho naman po kaming abogado, kung may ebidensiya siya na talagang ang gobyerno ang pumatay, isampa po ang kaso,” pahayag ni Roque.
Obligasyon aniya ng estado ng Pilipinas na imbestigahan ang isang krimen, litisin ang mga pumapatay at bigyan ng remedyo sang-ayon sa Saligang batas ang mga nagiging biktima ng paglabag ng karapatang mabuhay.
Inatasan na rin aniya ni Interior Secertary Eduardo Año ang PNP na imbestigahan ang insidente.
May ginagawa na aniyang hakbang ang PNP para makilala ang mga suspek sa pagpatay bago pa man magbigay ng conclusion sa kaso.
“So, ang ating mensahe po kay Vice Presidente Leni Robredo, hintayin naman po natin ang imbestigasyon, dahil hindi naman po instant iyan, mayroon po talagang mga hakbang na ginagawa ang kapulisan para ma-identify kung sino ang pumatay bago tayo magkaroon ng conclusion,” dagdag nito.
Matatandaang pinagbabaril si Perez ng hindi pa nakilalang suspek sa loob ng munisipyo.