Ayon kay Velasco, sa kasalukuyang sistema, imposibleng makabitan lahat ng 6.1 milyong rehistradong sasakyan sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON ng RFID stickers hanggang January 11, 2021.
Dapat aniyang irekonsidera ng DOTr ang COVID-19 pandmeic kaya marami sa mga may-ari ng sasakyan na lumabas ng kanilang mga bahay upang mag-apply para sa RFID stickers.
Iginiit ni Velasco na mas praktikal kung palawigin ang deadline hanggang sa March 31, 2021 para mabigyang daan ang mga motorista ng oras upang makakuha ng stickers para sa cashless payment system sa mga tollways.
Panawagan din ito ng lider ng Kamara dahil sa naranasang gridlock sa unang araw ng pagpapatupad ng cashless payment sa tollways noong December 1.
Sang-ayon din ang House Speaker sa naging obserbasyon ng House Committee on Transportation sa kanilang motu-proprio investigation may kaugnayan sa problema sa pagpapatupad ng cashless payment scheme.
Sa pagtaya ng komite, posibleng abutin pa ng dalawang taon para makabitan lahat ng sasakyan na gumagamit ng mga expressway ng RFID stickers.