Sinabi ng weather agency ng United Nations ang naitalang temperatura ng unang dalawang buwan ng taon ang siya pinakamataas sa kasalukuyan matapos nitong mahigitan ang nai-record ng nakaraang taon.
Ang buwan ng Pebrero ang itunuturing na pinakamainit na buwan mula ng magsimula ang modernong pagtatala na mas mataas sa normal na temperature sa nakaraang siglo.
Ayon kay WMO Chief Petteri Talas nakakaalarma ang mabilis na pagbago sa klima na ating nararanasan na resulta ng greenhouse gas emissions.
Dagdag ni Dave Carlson, head ng co-sponsor ng WMO na World Climate Research Program ang nasabing nakakaalarmang pagtaas ng temperatura ay isang sampal sa mukha.