#AlDubEBTamangPanahon pasok sa top 5 na pinakapopular na hashtag sa Twitter

aldub-eat-bulagaOpisyal nang kinilala ng Guinnes World Records ang hashtag na #AlDubEBTamangPanahon na isa sa limang pinaka-popular na hashtag na bumasag ng record at nagmarka sa kasaysayan ng social networking site na Twitter.

Sa isang artikulo na inilabas kasabay ng 10th anniversary ng Twitter, tinukot ng Guinness bilang “Most used hashtag in 24 hours” sa Twitter ang #AlDubEBTamangPanahon na umabot ng 40, 706, 392 tweets.

Ang nasabing hashtag ay ginamit nang magkita ng personal sina Alden Richards at si Yaya Dub o Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Matapos ang ilang buwan ng “split-screen” romance, nagkita ang tambalan na kilala bilang AlDub sa Tamang Panahon event sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong October 24-25, 2015 na sinaksihan ng mahigit sa 50,000 fans.

Bukod sa #AlDubEBTamangPanahon, ang iba pa na gumawa ng record-breaking history sa Twitter ang first tweet ng kanilang founder na si Jack Dorsey; ang tweet kay Caitlyn Jenner na “fastest to reach one million followers ;” ang 2014 World Cup match sa pagitan ng Germany at Argentina, at ang Oscar selfie ni Ellen DeGeneres na “most retweeted message on Twitter.

Read more...