Chicago Bulls guard Garrett Temple nagpapagaling sa COVID-19

Nagpapagaling pa din sa COVID-19 si Chicago Bulls guard Garrett Temple.

Ang 34 anyos na si Temple ay nagpositibo sa sakit noong November 28.

Kwento ni Temple, nagsimula siyang makaranas ng pananakit ng ulo at panghihina matapos bisitahin ang kaniyang pamilya sa Louisiana para sa Thanksgiving.

Negatibo naman sa sakit ang asawa ng player at kaniyang anak.

Noong nakaraang buwan ay pumirma na si Temple ng panibagong one-year $4.7 million contract sa Chicago Bulls.

 

 

 

Read more...