Duque handang mauna sa pagpapabakuna kontra COVID-19

Photo grab from PCOO Facebook video

Payag si Health Sec. Francisco Duque III na maunang magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito ay sa sandaling maging available na ang bakuna sa bansa at maisailalim sa evaluation ng vaccine experts ng DOST at maaprubahan ng FDA.

Sinabi ni Duque na hihikayatin din niya ang kaniyang mga kapwa miyembro ng gabinete na magpabakuna para mahimok ang publiko.

Una nang hinamon ni Sen. Bong Go si Duque na unang sumalang sa pagpapabakuna gayundin si vaccine czar at National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief Carlito Galvez Jr.

 

 

 

Read more...