Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 173,000 pa

Umabot na sa lagpas 15.1 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 173,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 15,159,529 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.8 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 6 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 1,000 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 288,906 na.

 

 

 

Read more...