Eroplano galing Russia binulabog ng bomb threat; ligtas na nakalapag sa JFK Airport

Isang eroplano na galing ng Russia ang binulabog ng bomb threat.

Ligtas namang nakalapag sa John F. Kennedy International Airport alas 3:45 ng hapon ang Aeroloft plane.

Paglapag sa paliparan agad na inilikas ang mga pasahero nito at saka pinasok ng mga otoridad ang eroplano para suyurin.

Sa abiso ng pamunuan ng JFK Airport, sinabi nitong mayroong nagpapatuloy na insidente at may mga itinalaga na emergency personnel sa airport.

Pinayuhan naman ang mga pasahero na huwag mabahala at sinabing tuloy ang biyahe ng ibang flights at wala ring delay.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at wala pang inilalabas na dagdag na detalye tungkol sa bomb threat.

 

 

 

 

Read more...