7 milyong residente babakunahan sa Moscow, Russia

Target ng pamahalaan ng Moscow, Russia na mabakunahan ang aabot sa pitong milyon nilang mga residente.

Ayon ito kay Mayor Sergei Sobyanin, matapos na muling makapagtala ng record high number ng bagong kaso ng COVID-19.

Sinimulan na ang pamamahagi ng Sputnik V COVID-19 shot sa Moscow sa pamamagitan ng 70 mga klinika.

Unang babakunahan ang mga kasama sa “most exposed groups”.

Sa buong Russia, umaabot sa mahigit 20,000 ang average na bagong kaso ng COVID-19 kada araw.

 

 

 

Read more...