Posibleng piraso ng MH370, nasa Australia na

MH370Dumating na sa Australia ang hinihinalang bahagi ng nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 na natagpuan sa Mozambique nitong buwan lamang.

Isang puti, na may metrong-haba na piraso ng metal ang natagpuan ng isang Amerikanong manlalakbay na nagsasagawa ng sariling paghahanap sa MH370.

Ayon kay Australian Infrastructure Minister Darren Chester, pawang mga items of interest naman ang nakita at dinala sa kanila ngunit hindi pa nila matitiyak kung gaano katagal ang aabutin para magkaroon sila ng konklusyon tungkol dito.

Dalawang piraso ng debris ang sisiyasatin ng mga imbestigador mula sa Australia at Malaysia, maging ng mga eksperto mula sa Boeing, Geoscience Asutralia at Australian National University.

Ayon naman kay Malaysian Transport Minister Liow Tiong Lai, malaki ang posibilidad na ang nakitang piraso ay mula sa isang 777 jet na kapareho ng MH370.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang misteryosong naglaho ang MH370 na may sakay na 239 na pasahero noong March 8, 2014.

Read more...