Buwis sa bisyo, balak ilaan ni Tolentino sa kalusugan ng mag-aaral

Francis TolentinoKapag nahalal sa senado si independent candidate Francis Tolentino isa sa mga una niyang ipapanukala ay ang pagkakaroon ng libreng health insurance ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo.

Ayon kay Tolentino sakop ng ipapanukala niyang Student Health Insurance Act ang mga mag-aaral na mga nasa pribado at pampublikong paaralan.

Katuwiran nito hindi lahat ng mga magulang ay miyembro ng PhilHealth kaya’t malaking tulong na kung ang kanilang mga anak ay may medical insurance kapag nagkasakit.

Dagdag pa niya, malaking tulong na rin sa budget ng pamilya ang kanyang panukala at hindi na kailangan pang mangutang ng mga magulang para may pambili ng gamot o pangpa-ospital ang mga bata.

Sinabi niya na 45 porsiyento ng budget ng pamilya ay kadalasan nagagasta sa mga gamot o pagpapatingin sa doktor.

Dagdag pa nito na ang pondo para sa Student Health Insurance Act ay maaring manggaling sa koleksyon sa sin taxes na ngayon taon ay inaasahan na aabot sa P158.38 billion.

Binaggit pa ng dating MMDA chairman na ang matitipid sa pagkakaroon ng health insurance ay maari nilang ipunin at ipuhunan sa pagkakaroon ng sariling maliit na negosyo ng pamilya.

Read more...