Ito ang tugon ng Palasyo ng Malakanyang sa kumakalat na text message na magpapatupad ang pamahalaan ng nationwide lockdown mula December 23 hanggang January 3 ng susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang katotohanan ang naturang balita.
Sinabi naman ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force co-chairman Karlo Alexi Nograles na dapat na alamin muna ng publiko ang totoo.
Apela ni Nograles, huwag maniwala at huwag magkalat ng ‘fake news’ lalo na sa panahon ng pandemya sa COVID-19.
Dapat aniyang patuloy na
maging responsable sa sarili at sa pamilya.
Sa panig ni National Task Force against COVID-19 spokesman Restituto Padilla, pinapayuhan ang publiko na huwag maniwala sa mga impormasyon na hindi nagmumula sa hindi berepikadong sources.
“Everyone is strongly advised not to believe news or information coming from unverified sources. Please ensure you verify or ask authorities or trusted organizations about the veracity of such information before believing and passing it around. Let us not be instruments of fake news distribution and help our fellow kababayans,” pahayag ni Padilla.