BRP Gabriela Silang, bibiyahe muli patungong Catanduanes

PCG photo

Bibiyahe muli ang BRP Gabriela Silang patungong Virac, Catanduanes sa Lunes, December 7.

Ito ay upang maihatid ang humigit-kumulang 65 toneladang relief supplies.

Tuluy-tuloy ang pagsasakay ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng relief supplies sa nasabing barko.

Nagmula ang mga donasyon sa iba’t ibang organisasyon at pribadong indibiduwal na nakipag-ugnayan sa ahensya para maghatid ng tulong.

Matatandaang kabilang ang Catanduanes sa mga lubos na naapektuhang probinsya nang manalasa ang Bagyong Rolly.

Read more...