Ayon kay Go, ito ay para mapatunayan sa harap ng publiko na ligtas ang bibilhing bakuna ng Pilipinas.
“May mga nag-aalangan pa kaya dapat unahin natin ang safety ng vaccine na ito. That is why I’m challenging Secretary Galvez once safe na ipapakita niya, along with Secretary Duque, na sila muna ang magpapaturok ng vaccine once proven safe to encourage [the people],” pahayag ni Go.
“(This is) to encourage naman po at mawala ang takot ng mga tao, pero dapat unahin natin ang poor, vulnerable, and frontliners, of course. Sila ang nangunguna sa labang ito — sundalo, guro, medical workers. Huwag rin natin pabayaan ang mga senior citizens natin na vulnerable and, especially, ang mga mahihirap na kailangan lumabas at magtrabaho — dapat po libre ito sa mahihirap,” dagdag ng Senador.
Ayon kay Go, nakahanda na ang national vaccine roadmap para maging maayos ang sistema sa pamamahagi ng bakuna.
“Napaka-importante po sa vaccine na ito ang issue ng affordability at accessibility. Unang una, pagdating sa availability — dapat po unahin ang mahihirap nating kababayan,” pahayag ni Go.
Sa unang quarter ng 2021, inaasahang darating ang mga bakuna na bibilhin ng Pilipinas sa China, Amerika at United Kingdom.
Pinasalamatan din ni Go ang nasa pribadong sektor sa paghahayag ng kahandaan na makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagbili ng bakuna.