Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 66.85 milyon

Umabot na sa mahigit 66.85 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 66,855,796 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 14,983,425 cases.

Sumunod na rito ang India na may 9,644,529 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 6,577,177 naman ang kaso sa Brazil habang 2,431,731 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 2,281,475
– Italy – 1,709,991
– United Kingdom – 1,705,971
– Spain – 1,699,145
– Argentina – 1,459,832
– Colombia – 1,362,249
– Germany –  1,170,095
– Mexico – 1,168,395
– Poland – 1,054,273
– Iran – 1,028,986

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,534,553 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 46,241,259 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...