Sinabi ng kumpanya na para ma-avail ang libreng antigen testing, kailangang mag-register sa pamamagitan ng booking portal ng testing partner ng PAL: bit.ly/PALHMIRegForm.
Dapat magtungo ang mga pasahero sa Antigen testing center sa bahagi ng PAL Gate 3 sa Pasay City dalawa hanggang anim na oras bago ang flight.
Bukas ang antigen testing center mula 12:01 ng hating-gabi hanggang 4:00 ng madaling-araw tuwing Lunes at Huwebes.
Maaaring gawin ang pagsusuri sa pamamagitan ng drive-thru o walk-in.
Hinihikayat naman ang mga pasahero na maagang pumunta sa testing center para sa mas mabilis proseso.
Lalabas ang resulta sa loob ng 30 minuto at maaaring mag-avail ng libreng PAL shuttle service patungong paliparan.