Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 25,695 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (December 5).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 792 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
24,171 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 732 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 20,150 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES