Halaga na naipamahaging ayuda sa 2nd tranche ng SAP, umabot na sa P85.1-M

Nasa mahigit 14.2 milyong pamilya ang nabigyan ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8:00, Huwebes ng gabi (December 3).

Umabot na sa kabuuang 14,289,997 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.

Dahil dito, tinatayang P85.1 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.

Kasama na rito ang top-up sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Read more...