Global death toll bunsod ng COVID-19, halos 1.52 milyon na

Pumalo na sa halos 1.52 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,524,457 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 285,550.

Sumunod na rito ang Brazil na may 175,981 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 139,736 naman ang death toll sa India habang 108,863 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 60,617
– Italy – 58,852
– France – 54,767
– Iran – 49,695
– Spain – 46,252
– Russia – 42,176

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 66,230,912 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 45,812,406 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...