Ginawa ito ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon sa isang special session.
Nakasaad din sa resolusyon ang panghihikayat sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na gamitin ang buong puwersa ng gobyerno para mapanagot ang responsable sa krimen.
Idineklara rin ang December 4 hanggang 12 bilang state of mourning sa bayan ng Los Baños.
Hinihikayat din dito ang lahat ng mga opisyal at empleyado ng bayan na magsuot ng itim na armband.
Ang mga watawat ng Pilipinas naman sa mga tanggapan ng gobyerno at mga eskwelahan ay ipinalalagay sa half-mast.
Pansamantala ring sinuspinde ang ordinansa ng bayan para sa lamay ni Mayor Perez na nagtatakda na 48 oras lamang maaring maiburol ang isang nasawi.