BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 436,345; naitalang bagong kaso wala pang 1,000

Halos 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (December 4), umabot na sa 436,345 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 28,379 o 6.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 934 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.9 porsyento ang asymptomatic; 0.28 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 4.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 63 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,509 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 148 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 399,457 o 91.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

 

Read more...