Senator Ronald “Bato” Dela Rosa nakalabas na ng ospital

Nakalabas na ng pagamutan si Senator Ronald “Bato” dela Rosa matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa senador, ngayong umaga ng Biyernes (Dec. 4) siya na-discharge sa ospital.

Na-confine sa ospital ang senador simula noong November 23 matapos magpositibo sa sakit.

Nakaranas ng lagnat, ubo, at sipon si Dela Rosa.

Noong nakaraang buwan ay nauna nang nagpositibo din sa sakit ang kaniyang anak, driver, at kasambahay.

 

 

 

Read more...