Tatlo kabilang ang isang NBI informant sugatan sa pananambang sa Quezon City

Sugatan ang tatlong katao sa pananambang naganap sa Holy Spirit Drive sa Quezon City.

Nangyari ang insidente alas 9:00ng umaga ng Biyernes, December 4.

Ayon sa Quezon City Police District, sakay ng kaniyang SUV ang isa sa mga biktima na si Demsen Tan nang ito ay pagbabarilin.

Nagawa ni Tan na makatakbo pero nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa kaniyang braso.

Kinumpirma naman ng NBI na si Tan ay informant ng ahensya at tumutulong sa kanilang anti-illegal drugs campaign.

Maliban kay Tan, ang dalawang pang nasugatan ay nakilalang sina Irene Versoza at Carlota Lamata na pawang tinamaan ng ligaw na bala.

 

 

 

Read more...