Sinunog ng mga rebelde ang isang police patrol car na nakaparada sa military detachment.
Ayon kay Abu Jihad, tagapagsalita ng BIFF, napwersa ang kanilang grupo na gawin ang pag-atake dahil sa ilegal na aktibidad sa bauan ng Datu Piang at paglaganap ng ilegal na droga at nakalalasing na inumin.
Sinabi pa ng BIFF na hangga’t may mga ilegal na aktibidad sa naturang bayan ay magpapatuloy ang kanilang pagkilos.
Ayon kay Lt. Col. Anhouvic Atilano, tagapagsalita ng 6th Division ng Philippine Army, hindi nadamay sa insidente ang eskwelahan at simbahan na malapit sa detachment.
READ NEXT
Dating alkalde ng Cabugao, Ilocos Sur at 18 iba pa binasahan na ng sakdal sa kasong illegal detention at grave coercion
MOST READ
LATEST STORIES