Isinagawa ang arraignment kay Cobangbang at sa mga kapwa nito akusado sa sala ni Judge Conrado Tabaco ng Regional Trial Court, Branch 12, Sanchez Mira, Cagayan.
Ipinag-utos naman ng husgado ang paglilipat sa mga akusado mula sa PNP Regional Office 1 patungo sa Provincial Jail sa Sanchez Mira, Cagayan para madali itong madala sa hukuman kung kinakailangan at para na rin sa kanilang seguridad.
Itinakda naman ng korte ang pagdinig sa petition for bail hearing ng mga akusado sa December 11.
Ang kasong serious illegal detention ay non-bailable offense at may parusang reclusion perpetua kapag napatunayan.
Sa pagdinig sa petisyon kapag nakita ng korte na may malakas na basehan upang manatili sa kulungan ang mga akusado habang dinidinig ang kaso ay ibabasura ang petisyon.
Ang kaso ay isinampa ni Virginia Nicole Savellano-Ong matapos ipag utos ng dating alkalde ang pagpapasarado ng resort na pag-aari ni Ong kung saan kahit na nasa loob pa ang may-ari, minor de edad na anak at mga tauhan nito ay isinara ito.
Naunang nakasampa ang kaso sa Cabugao RTC Branch 24 pero nalipat sa Cagayan matapos maghain ng petisyon si Ong sa Supreme Court.