Task Force binuo para tutukan ang pagpatay sa mayor ng Los Baños, Laguna


Bumuo na ng task force ang Philippine National Police para matutuan ang kaso ng pamamaril sa mayor ng Los Banos, Laguna.

Ayon kay Police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng ng Laguna Police Provincial Police, si Police Lt. Col. Jesson Bombasi, Deputy Provincial Director for Operations ng Laguna police ang mamumuno sa Special Investigation Task Group.

Titignan ng Task Force ang lahat ng posibleng angulo sa pagpatay kay Mayor Caesar Perez.

Una nang sinabi ni PNP Spokesperson Police BGen. Brandi Usana na wala pa silang nakukuhang impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek na pumatay kay Perez.

Wala pa rin umano silang hawak na persons of interest.

Si Perez ay dalawang beses umanong pinaputukan pasado alas 8:00 ng gabi sa loob ng munisipyo.

Read more...