Ayon kay WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., nangyari ang insidente alas 11:00 ng gabi ng Huwebes, December 3.
Sa inisyal na ulat ng AFP Westmincom dumating sa lugar ang hindi matukoy na bilang ng BIFF militants.
Sinunog nila ang patrol car na nakaparada sa lugar at mabilis na tumakas.
Sinabi ni Vinluan na agad rumesponde sa lugar ang mga sundalo.
“We are on top of the situation. This is just an isolated case. A joint AFP-PNP investigation is currently being conducted,” ani Vinluan.
Wala namang nasaktan sa nangyari.
MOST READ
LATEST STORIES