Yellow heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Apayao, Cagayan at Ilocos Norte

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa northern Luzon dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, December 4, yellow warning na ang umiiral sa sumusunod na mga lugar:

APAYAO
– Flora
– Luna
– Pudtol
– Calanasan

CAGAYAN
– Claveria
– Pamplona
– Sta. Praxedes
– Sanchez Mira

ILOCOS NORTE
– Pagudpud

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Northeast Monsoon at Tail End of a Frontal System.

Samantala, nakararanas din ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa mga bayan ng Santa Ana at Sto. Nino sa Cagayan.

Pinayuhan ang publiko at local disaster risk reduction and management offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

 

Read more...