Mga lumang PA system sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3, napalitan na

Napalitan na ang mga lumang public address (PA) system sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3, na ginagamit sa pagbibigay ng mga anunsyo publiko o bulletin sa mga nasa istasyon ng tren.

Ang mga bagong PA system ay mayroong USB input at maaaring makapagbigay ng anunsyo sa magkahiwalay na bounds (northbound o southbound) sa loob ng mga istasyon.

Nailagay ang bagong PA system sa lahat ng mga istasyon ng rail line sa mga sumusunod na petsa:

– November 14-15: Shaw Boulevard station, Boni Avenue station, Guadalupe station, at Buendia station
– November 16-18: Ayala station, Magallanes station, at Taft Avenue station
– November 28-30: North Avenue station, Quezon Avenue station, GMA-Kamuning station, Cubao station, Santolan-Annapolis station, at Ortigas station

Matatandaang nakapag-install na rin ng mga bagong signal lights, platform monitors, at CCTV cameras ang MRT-3 sa mga istasyon nito, habang nakapag-upgrade na rin ng mga equipment at facilities sa depot.

Ang pag-upgrade ng mga kagamitan ng MRT-3 ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa sa buong linya sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo.

 

 

 

 

 

Read more...