Bomb Squad nakakalat ngayong semana santa

Bomb squad
Inquirer file photo

Pinayapa ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang pangamba ng publiko at mga byahero sa presenya ng mga tauhan ng bomb squad sa mga bus terminals ngayong semana santa.

Ayon kay NCRPO spokesperson C/Insp. Kimberly Molitas, ang bomb squad at mga bomb-sniffing dogs ay bahagi lang ng kanilang inilatag na seguridad para sa paggunita ng Holy Week.

Ani Molitas, nagdeploy din sila ng mga K9 units at bomb squad sa mga paliparan, pantalan at mga bus terminals para matiyak na walang magiging aberya lalo na ang mga mananakay ngayong semana santa.

Sa ngayon, wala naman umano silang namomonitor na anumang banta sa seguridad ngayong holy week pero nananatili umano sa full alert ang kanilang mga pulis sa Metro Manila.

Sinabi ring PNP na activated na ang taunang Oplan Sumvac o Summer Vacation na aalalay sa mga motoristang magkakaroon ng emergency habang nasa biyahe.

Read more...