Ombudsman hahayaan ng Malacañang na sumagot sa patutsada ni Poe

SONNY-HERMINIO-COLOMA
Inquirer file photo

Ipapaubaya ng Malacañang sa Office of the Ombudsman ang pagsagot sa naging pahayag sa presidential debate ni Sen. Grace Poe kaugnay sa “selective Justice” sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

Kahapon ay sinabi ni Poe na tanging mga latak lamang na miyembro ng Liberal Party at ng pamahalaan ang kinakasuhan ng Ombudsman samantalang pinababayaan naman na gumawa ng kalokohan ang ilang mga kaalyado ng administrasyon.

Inihalimbawa ni Poe ang hindi pagkakasama ni Transportation Sec. Jun Abaya sa ilang isyu ng katiwalian sa MRT 3 samantalang sinampahan ng kaso ang ilan sa kanyang mga tauhan.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na hahayaan na lamang nila na ang Ombudsman mismo ang sumagot sa mga paratang ni Poe.

Nilinaw din ni Coloma na kailanman ay hindi nakialam ang Malacañang sa mga kasong hawak ng Office of the Ombudsman bilang isang independent constitutional body

Read more...