Biliran, Biliran niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Biliran.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers southeast ng bayan ng Biliran alas-3:25 umaga ng Martes (December 1).

May lalim na 2 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...