Ayon sa inisyal na report, bandang 9:00 ng gabi, December 3, nang maganap ang pamamaril sa alkalde na kaagad isinugod sa pinakamalapit na ospital.
Kinumpirma ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang pamamaril at sinabing binawian na ito ng buhay.
Gayunman, hinihintay pa aniya nito ang buong detalye ng insidente.
Si Mayor Perez ay dati ring vice governor ng Laguna.
MOST READ
LATEST STORIES